BUBUHAYIN muli ng bansang Singapore ang kanilang Changi Airport bilang pagdiriwang sa ika-40th anniversary ng pagkakatayo nito.
Ibinahagi ni Minister for Transport S. Iswaran, aabot sa 4.3 milyong pasahero ang naserbisyuhan nito sa unang anim na buwan sa opening nito noong 1981.
At buhat noon, ayon kay Iswaran, tinagurian na ito bilang Skytrax’s world best airport at best airport by size and region ng Airport Council International Airport Service Quality Awards ng labing isang beses.
Inamin naman ni Iswaran na bumagsak ang kita ng airport matapos isinara ito simula ng manalasa ang COVID-19 pandemic pero naniniwala ang opisyal na mabubuhay ito muli.
Sa pagbabalik anito, mas ligtas at mas maging sustainable global aviation hub pa ito.