Charter Change, hindi prayoridad ng mga Pilipino

Charter Change, hindi prayoridad ng mga Pilipino

PRAYORIDAD ng mayorya ng mga Pilipino ang maresolba ang cybersecurity at matutukan ang data privacy ng bansa.

Sa pinakalatest survey na isinagawa ng Publicus Asia, 87% ang nagsasabi na ito ang unahin ng gobyerno habang pumapangalawa at may 78% ang panawagan ng pagkakaroon ng minimum daily wage hike.

Ang pagbibigay naman ng libreng tuition sa state at local universities at colleges ay nasa 74%.

Sa kabilang banda, isa sa may pinaka-hindi pinaprayoridad ng mga Pilipino ay ang insertion ng unprogrammed funds sa 2024 National Budget ay nasa 22% lang.

Maging ang Charter Change at pagpapaaresto kay Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Vice President Sara Duterte at Senator Bato dela Rosa sa International Criminal Court (ICC) ay mayroon lamang tig-28%.

Kung matatandaan, sa resulta rin ng pinaka-latest survey ng Pulse Asia, 88% sa mga Pilipino ang nagsasabing hindi nararapat na amyendahan ang Konstitusyon sa ngayon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter