NASA 1,506 na claimants ng Overseas Filipino Workers (OFWs) na apektado ng pagkalugi ng construction firms sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ang unang batch na tumanggap ng Alinma bank checks mula sa Saudi.
Sinabi ni Usec. Bernard Olalia, ang kabuuang halaga nito ay katumbas ng 65 milyong Saudi riyals o mga $15 hanggang $17 milyon o mahigit P900-M.
Paglilinaw ni Olalia, ang distibution kasi ng cheke ay by batches.
Sa ngayon, mayroon nang naproseso na 15 sa mahigit 30 na mga biyuda o mga naiwang pamilya ng yumaong OFWs.
Habang mayroon namang 16 OFWs ang na-process na sa mahigit 50 na may discrepancy.
Matatandaang nasa mahigit 10,000 OFWs na apektado ng pitong kompanya na nabangkarote sa Saudi Arabia ang hindi nabigyan ng suweldo at benepisyo noong 2015 at 2016 na ngayon ay patuloy na umaasang mababayaran kasunod ng pangako ng Crown Prince ng KSA.