Chemotherapy sessions ni LA Tenorio, malapit nang matapos

Chemotherapy sessions ni LA Tenorio, malapit nang matapos

MALAPIT nang matapos ang chemotherapy sessions ng basketball superstar na si LA Tenorio.

Sa kaniyang social media post, ibinahagi ng Barangay Ginebra superstar ang isang litrato na nasa ospital na may caption na 10/12 na nangangahulugang nasa 10 out of 12 chemo sessions na ito.

Maliban dito, humihiling naman si Tenorio ng dasal mula sa kaniyang mga fan at ibinahaging excited na itong makabalik sa paglalaro.

Kasalukuyang nasa Singapore si Tenorio kasama ang kaniyang pamilya upang sumailalim sa chemotheraphy matapos itong na-diagnose na may colon cancer ilang buwan na ang nakakaraan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble