Chicago Bulls, wagi laban sa Boston Celtics

Chicago Bulls, wagi laban sa Boston Celtics

NAGWAGI laban sa Boston Celtics ang Chicago Bulls sa nagpapatuloy na NBA regular season.

Tinalo ng Bulls ang Celtics sa iskor na 128-114.

Sa naging laro, kontrolado ng Boston ang kanilang laban mula una hanggang ikatlong kwarter.

Pero pagpasok ng 4th quarter, gumawa ng 39 points ang Chicago Bulls habang labing isang puntos lamang ang naitala ng Celtics.

Nanguna naman para sa panalo ng Chicago si Demar Derozan na gumawa ng 37 points habang nag-ambag si Zach Lavine ng 26 points.

Hindi naman sumapat ang 28 points ni Jaylen Brown at tig-20 points nina Jayson Tatum at Al Horford upang iangat ang kanilang koponan sa kanilang naging laban.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.