PATULOY ang pagpapaalala ng Korte Suprema sa mga huwes at empleyado ng korte na huwag gumawa o sumali sa mga aktibidad na makakasira sa integridad ng Kataas-Taasang Hukuman.
Matatandaan na sa pagdinig ng Senado, ay inilutang ang posibleng infiltrations ng POGO operators sa hudikatura matapos ang pag-leak ng impormasyon tungkol sa operasyon ng gobyerno sa isang POGO Hub sa Porac, Pampanga.
Nakatakas diumano ang ilang mga POGO employee matapos makatunog sa operasyon ng mga awtoridad.
Ayon kay Chief Justice Alexander Gesmundo, nagkaroon na sila ng paunang imbestigasyon ukol dito at seryoso aniya nila itong tinugunan.
Sa ngayon, wala pa aniya silang natatanggap na impormasyon patungkol sa posibleng involvement ng mga huwes sa mga POGO operator.
Sabi pa ng Chief Justice, puwedeng lumapit sa kanila ang puliko sakali’t may maibibigay silang impormasyon hinggil dito.
Pagpapakita na seryoso nilang tinutugunan ang ganitong isyu.
Hindi rin aniya tumigil ang Suprema Court sa pagbibigay babala sa mga huwes maging ang kanilang mga empleyado laban sa mga masasamang aktibidad.
Naroon din aniya ang kanilang instruction sa kanila na mag-ingat sa pag-iisyu ng search warrant.