SINIBAK sa puwesto ni Provincial Regional Office (PRO) 3 Regional Director Police BGen. Jose Hidalgo, Jr. ang isang hepe ng pulisya sa Central Luzon.
Ito’y dahil sa kabiguan na i-monitor ang illegal gambling operations sa kaniyang area of responsibility.
Sa abiso ni Hidalgo, nagbigay siya ng ultimatum sa lahat ng Chief of Police na sugpuin ang ilegal na sugal sa kanilang lugar at mahigpit na ipinatutupad ang ‘one strike policy’.
Una nang sinalakay ng mga tauhan ng Special Operations Group (SOG) ng Regional Intelligence Division (RID)-3 ang isang peryahan sa Orion, Bataan kung saan nagpapatuloy ang ilegal na color games.
Naaresto sa operasyon ang operators at bettors ng nasabing peryahan.