Chief of Staff Challenge, pormal na binuksan ng AFP sa Baguio City

Chief of Staff Challenge, pormal na binuksan ng AFP sa Baguio City

PORMAL nang binuksan ang Chief of Staff Challenge ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong araw at magtatapos sa Enero 28 ngayong taon.

Pinangunahan mismo ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner, Jr. ang seremonya sa Philippine Military Academy Firing Range sa Fort del Pilar, Baguio City.

Ang naturang shooting competition ay pinangangasiwaan ng Philippine Shooters and Match Officers Confederation.

Ang kompetisyon ay nahahati sa dalawang kategorya gaya ng AFP Match para sa mga active military personnel at ang Main Match na bukas para sa military at civilian shooters

Makakabenepisyo sa nasabing patimpalak ang mga sugatan at may mga karamdaman na mga sundalo, scholarships para sa military orphans, at pagpapaganda ng PMA Firing Range.

Nagsilbing panauhing pandangal ng aktibidad si TESDA Director General Secretary Teng Mangudadatu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter