Child care budget sa Japan, itataas sa 3.5-T yen

Child care budget sa Japan, itataas sa 3.5-T yen

INUTUSAN ni Prime Minister Fumio Kishida ang mga ministro ng bansa na palakihin ang taunang child care budget sa halagang higit sa 3-T yen sa loob ng tatlong taong target period dahil sa bumababang birth rate.

Ito’y mas mataas kompara sa 3-T yen na ipinasa noong nakaraan para sa child care support mula Fiscal 2024.

Para masiguro ang pagpopondo, mag-iisyu ng bridge bonds ang gobyerno hanggang sa magkaroon na ng alternatibo at matatag na pondo sa Fiscal 2028.

Isang draft plan na nagdedetalye kung paano nilalayon ng gobyerno na suportahan ang mga kabataan ay ilalabas bukas.

Matatandaan na ang Japan ang isa sa pinakamabilis na tumanda na populasyon kung saan ang mga bagong panganak mula noong 2022 ay bumaba sa 800-K sa unang pagkakataon.

Ang state budget ng Japan ay patuloy na lumalaki kung saan ang social security ang may pinakamalaking bahagi sa public spending na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter