Child Safety in Motor Vehicles Act, sisiyasatin ng Kamara sa susunod na linggo

IIMBESTIGAHAN ng House Committee on Transportation ang kontrobersyal na Republic Act 11229 o ang Child Safety in Motor Vehicles Act sa Pebrero 10, araw ng Miyerkules.

Ayon ito sa pahayag ni Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento.

Sinabi ni Sarmiento na alinsunod ito sa utos ni Speaker Lord Allan Velasco na magsagawa ng imbestigasyon ukol dito at iba pang may kinalaman sa sektor ng transportasyon.

Partikular sa sisilipin ng Kamara ang Implementing Rules and Regulations o IRR ng Child Car Seat Law at kung nagkaroon ng pakikipag-ugnayan ang Department of Transportation (DOTr) sa ibang ahensiya sa pagbuo nito.

Noong Martes, Pebrero 2 ng maging epektibo ang batas gayunman ipinagpaliban muna ang paghuhuli sa mga lalabag dito at pagbibigay muna ng impormasyon sa mga tao ukol dito ang ginagawa ng DOTr.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *