Child star na si Gigil Kid, inihayag ang kaniyang galit at dismaya kay BBM

Child star na si Gigil Kid, inihayag ang kaniyang galit at dismaya kay BBM

NITO lang nakaraan ay nakiisa si Gigil Kid sa ginawang pagtipon-tipon sa EDSA Shrine at nagsalita laban sa gobyerno.

“Pumunta po kami dito para suportahan ang mga Duterte at mga Pilipino at Pilipinas dahil kitang-kita namin marami nang lumabas, lahat ng kabataan naapektuhan dahil sa droga milyon-milyon dahil droga din ang nagwasak sa pamilya ko,” ayon kay Carlo “Gigil Kid” Mendoza, Child Star.

Nilinaw rin niya na hindi siya pinilit na sumama sa naturang rally.

“Sasabihin nila na ginagamit kaming mga kabataan para lang magpaingay, hindi! Hindi kami ginagamit at hindi kami papayag na magpagamit dahil Pilipino din kami, naiintindihan namin ang bawat nararamdaman ng kapwa namin Pilipino dahil sa ginawa mo Marcos nag-ingay na ang mga Pilipino, nag-ingay nagalit na di ba sinabi mo na babaguhin mo ang Pilipinas? Pero ano ang ginawa mo?” dagdag ni Gigil Kid.

Maliban kay Gigil Kid present din sa rally si “You Do Note Girl”.

Mga social media influencer hinikayat na ‘wag magbulag-bulagan sa tunay na isyu ng bansa—talent manager

Samantala, nagtungo rin sa EDSA Shrine ang talent manager at isa ring social media influencer na si David Cabawatan para ipahayag ang kanilang mga saloobin sa pamahalaan.

“Nandito po kami kasi mulat na mulat na ang aming mga mata so ayaw na naming magbulag-bulagan mag bingi-bingihan sa mga nangyayari ngayon sa Pilipinas since lumabas ang mga issues ang panggigipit sa gobyerno sa mga hearing na napapanood naming mga resource persons mga nauwi sa pagkulong,” wika ni David Cabawatan, Talent Manager, Influencer.

Kaya hinikayat nito ang kapwa influencer na ‘wag magbulag-bulagan sa tunay na sitwasyon ng bansa.

“Sa mga kapwa namin sa social media, mga influencers, sa mga naghihintay sa panahon ng kampanya na nagbubulag-bulagan na baka hindi kayo makuha sa mga campaign rallies ‘wag po kayong mukhang pera guys, dapat tayong lumabas makiisa sa mga ganitong pagtitipon, hindi lang pera-pera pinag-uusapan, pagmamahal sa bayan ang pinaglalaban natin dito,” ayon pa kay Cabawatan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble