Children’s Joy Foundation Incorporated tumanggap ng suporta para sa libreng online schooling ng mga bata

Children’s Joy Foundation Incorporated tumanggap ng suporta para sa libreng online schooling ng mga bata

KAMAKAILAN lang ay binisita ng Filipino Indian Commerce And Welfare Society Inc. o FICWSI ang child care center ng Children’s Joy Foundation Incorporated o CJFI sa Laguna dala ang sorpresa para sa mga bata doon.

 

Ipinagkaloob ng  FICWSI ang mga makabagong laptops kasabay ng libreng fiber internet connection para sa isang taon.

 

Ang mga naunang computers ng CJFI ay inupgrade din ng grupo.

 

Children's Joy Foundation

 

Katuwang naman ng FICWSI ang Independent Homeschoolers Ph Group para mabigyan ng gabay ang mga bata sa makabagong online schooling systems.

 

Dahil sa nais ng FICWSI na matulungan ang mga batang kinupkop ng CJFI sa kanilang online schooling ngayong taon ay sinagot na ng grupo ang tuition fee ng 27 bata sa isang pribadong paaralan.

 

 

Ang suportang ibinigay ng Filipino Indian Commerce And Welfare Society Inc. sa Children’s Joy Foundation ay isang malaking tulong para maipagpatuloy ang pag-aaral ng mga bata sa kabila ng nararanasang pandemya sa bansa na COVID-19.

 

Ang Filipino Indian Commerce And Welfare Society Inc. ay isa lamang sa mga grupo at iba pang indibidwal na patuloy na tumutulong sa layunin ng Children’s Joy Foundation para sa mga batang salat sa buhay.

 

Kung nais niyong tumulong sa CJFI ay maaari ninyong tawagan ang mga numero ng residential care centers nito sa iba’t -ibang lugar ng bansa:

 

CJFI Laguna Residential Care Center

No. 7 Kamantigue St., LEDC Ceris II Subd.

Canlubang, Calamba City, Laguna, Philippines

Ms. Rizel Espinosa, RSW, Center Head

(+63) 49 572 2391

(+63) 939 968 2076 / (+63) 905 823 2221

lagunacenter@cjfi.org

 

CJFI Quezon City Residential Care Center

No. 6 Brown Swiss Street, Project 8

Bahay Toro, Quezon City, Philippines

(+632) 920 3272 / (+632) 453 1704 / (+63) 916 335 6352

quezoncitycenter@cjfi.org

 

CJFI Davao Residential Care Center

Purok 8, San Miguel, Indangan

Buhangin District, Davao City, Philippines

(+63)997 934 2828 / (+63) 82 324 1117

davaocenter@cjfi.org

 

CJFI Cebu City Residential Care Center

Purok 6, Brgy. Cubacub, Mandaue City

Cebu, Philippines

(+63) 32 383 1210 / (+63) 955 331 5709

cebucenter@cjfi.org

 

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.