Chile: Minister of Economy nagpositibo sa COVID-19

Chile: Minister of Economy nagpositibo sa COVID-19

KINUMPIRMA ng Ministry of Economy, Development and Tourism ng Chile na nagpositibo sa COVID-19 si Minister of Economy Nicolás Grau.

Huwebes ng hapon nang kumpirmahin ng Ministry of Economy, Development and Tourism ang lagay ng ministro.

Idinetalye ng ahensya na may mild symptom si Grau at kasalukuyang naka-isolate sa kanyang bahay hanggang sa Hunyo 22.

Samantala, kasabay naman ni Grau na kumuha ng PCR test ang Pangulo ng bansa na si Gabriel Boric, ngunit nagnegatibo naman ito sa test.

Sa kabila ng lagay ng Pangulo ay kasalukuyan namang naka-isolate ito sa kanyang tahanan ng isang linggo.

Kinansela ng Pangulo ang kanyang mga schedule nang tatlong magkakasunod na araw dahil sa hindi pa ito nakabawi sa epekto ng pang-apat na bakuna nito kontra COVID-19.

Follow SMNI NEWS in Twitter