TINANGGAL ng Chile ang mandatory COVID-19 testing sa mga pasaherong papasok sa bansa na fully vaccinated na.
Hindi na kinakailangan na magpatest ng COVID-19 bago makapasok sa Chile ang mga pasaherong fully vaccinated na.
Sa kabila nito ay magpapasailalim pa rin ang mga pasahero sa random testing pagdating nito sa bansa.
Dagdag pa rito ay kinakailangan din na magpakita ng negative PCR-Test, 72 oras bago pa man ito nagtungo sa bansa gayundin sa byahe sa lupa kung saan nirerequire ang mga kabataang may edad na 2 taong gulang pataas.
Samantala, kinakailangan na maabrubahan muna ng mga awtoridad bilang patunay na nakapagkumpleto na ang sinuman na papasok sa bansa ng dalawang dosis ng COVID-19 vaccine.
Bukod pa sa mga nasabing requirements ay kinakailangan din na magkaroon ng travel insurance na may minimum coverage na USD 30,000 at coverage expenses.