LIMA pang mga bansa ang nadagdag sa listahan na sakop ng travel restrictions sa Pilipinas.
Ito ay ang China, Pakistan, Jamaica, Luxembourg at Oman.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 variants sa bansa.
Sinabi ni Roque na magiging epektibo ang travel restrictions sa mga nasabing bansa simula tanghali ng Enero 13 hanggang Enero 15.
Ang travel ban ay base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Management of Emerging Infectious Diseases.
Nauna nang nagpatupad ang nasyonal na pamahalaan ng travel ban sa mga biyahero na manggagaling sa 28 na bansa kung saan mayroong record ng bagong variant ng COVID-19.
Kabilang sa mga naunang bansang may travel restrictions ang United Kingdom, South Africa, Switzerland, Italy, Denmark, Israel, Hong Kong, Spain, Ireland, Netherlands, Singapore, Lebanon, Japan, Canada, Germany, Swedenm, Australia, France, Iceland, South Korea,United States of America, Brazil, Finland, India, Jordan, Norway, Portugal.