INIMBITAHAN ng Malaysia ang China at ang ilang bansa sa ASEAN na sumali sa Malaysia Partnerships and Alliances in Research Program para magsagawa ng scientific based na pag-aaral.
Ayon kay Higher Education Minister Datuk Seri Dr. Noraini Binti Ahmad, ang naturang programa ay naglalayong bumuo ng interes sa pananaliksik sa pagitan ng mga nagtutulungang bansa.
Umaasa si Dr. Noraini na mapalalakas ang pananaliksik sa pamamagitan ng strategic partnership.
Ang nasabing pagpupulong ay ginanap sa Guizhou, Southwest China, kasabay ng 15th China-ASEAN Education Cooperation Week.
Ito ay naglalayong palakasin ang educational cooperation sa pagitan ng ASEAN at China.
Bukod pa rito, ipinahayag din niya ang suporta ng Malaysia para sa kooperasyon sa larangan ng mas mataas na edukasyon na kapaki-pakinabang para sa bawat bansa, at inimbitahan ang mga akademiko, mananaliksik at estudyante mula sa China at iba pang ASEAN countries na bumisita sa Malaysia.
Samantala, inaasahan ng Malaysia na sa pamamagitan ng pagpapalitan ng mga ideya ay mapalalakas ang relasyon ng bawat bansa mula sa naganap na pagpupulong.