BINALAAN ngayon ng mga eksperto ang China dahil sa isinagawang trilateral summit ng mga pinuno ng Estados Unidos, Japan at Pilipinas noong nakaraang linggo, kung saan lalong pinalalim ng tatlong magkaalyadong bansa ang kanilang ugnayan sa depensa at seguridad.
Ayon kay Ding Duo, Deputy director of the research center for ocean law and policy sa National Institute for South China sea studies, ginagamit lamang umano ng Japan, Pilipinas at US ang maliit na mekanismong panseguridad para lalong painitin ang tensyon sa buong rehiyon ng Asya.
Pinaniniwalaan na ang pagbisita ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa Amerika ay isang hakbang upang palakasin ang bilateral military cooperation ng dalawang bansa.
Ayon naman sa isang eksperto na si Li Li, ang Estados Unidos at Japan ay nakabuo umano ng humigit-kumulang pitumpung bagong defense agreement at mga plano sa komprehensibong US military command sa Japan.
Samantala, inihayag din ng tatlong bansa ang gagawin nilang magkasanib na pagpapatrolya sa huling bahagi ng taon malapit sa South China Sea.