China, hindi ihihinto ang maritime cooperation sa Pilipinas

China, hindi ihihinto ang maritime cooperation sa Pilipinas

HINDI ihihinto ng China ang napagkasunduang maritime cooperation sa pagitan ng Pilipinas.

Sa kabila ito ng inilabas na ruling ng Korte Suprema sa nauna nang oil exploration agreement noong 2005.

Kinumpirma ito ni Wang Wenbin, ang spokesperson ng Ministry of Foreign Affairs ng China.

Sa naging pagbisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Beijing, China noong nakaraang linggo ay natalakay nila ni Chinese President Xi Jinping ang pagtuloy ng negosasyon hinggil sa joint oil and gas exploration sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Wenbin, ang joint oil exploration ay nakakatulong sa pagpo-promote ng stability sa WPS.

 

Follow SMNI News on Twitter