China, isinailalim ang iPhone City sa Covid lockdown matapos ang bayolenteng protesta

China, isinailalim ang iPhone City sa Covid lockdown matapos ang bayolenteng protesta

ISINAILALIM ng China sa lockdown ang anim na milyong katao sa isang lungsod kung saan nagkaroon ng bayolenteng pagprotesta sa isang iPhone factory ang mga hindi makatarungang Covid isolation policies at working conditions ng mga manggagawa doon.

Matatandaan na noong Miyerkules nang magprotesta ang daan-daang manggagawa sa malaking iPhone factory sa Zhengzhou.

Sa kalagitnaan ng Covid outbreak ay ipinag-utos ng awtoridad ng Zhengzhou ang mass testing at pagpapatupad ng lockdown sa ilang distrito kabilang na ang Central Chinese City simula ngayong araw.

Maaapektuhan ng restriksyon ang nasa higit anim na milyong katao ngunit hindi kasali dito ang iPhone factory kung saan isinailalim na ang mga manggagawa nito sa Covid restrictions ng ilang linggo.

 

 

Follow SMNI News on Twitter