BINALEWALA ng US Ambassador to the Philippines ang ‘basic facts’ at gumawa ng walang basehang akusasyon laban sa mga lehitimong hakbang ng China para sa pagprotekta sa soberaniya ng teritoryo nito at mga karapatan at interes sa karagatan.
Ito ang mariing tugon ng tagapagsalita ng Chinese Embassy sa Pilipinas ukol sa pahayag ng U.S. Ambassador na “unlawful” ang paggamit ng China ng water cannon at umano’y “dangerous maneuvers” nito.
Inakusahan din ng Amerika ang China na ginambala ang isang maritime operation ng Pilipinas.
Kaugnay dito, mahigpit na tinututulan ng China at kinokondena ang akusasyon ng embahador ng Estados Unidos.
“We firmly oppose and condemn her accusation,” saad ni Spokesperson, Chinese Embassy in the Philippines.
Tungkol naman sa mga bansang nagpahayag ng alalahanin sa naturang usapin, saad ng Chinese official, walang hurisdiksiyon at walang karapatang makialam ang Estados Unidos at mga kaalyado nito sa mga alitan sa karagatan sa pagitan ng China at Pilipinas.
“The United States and those allies are not parties to the issue of the South China Sea and have no right to interfere in the maritime disputes between China and the Philippines,” dagdag na pahayag ng Spokesperson, Chinese Embassy in the Philippines
Kaya naman hinimok ng tagapagsalita ng Chinese embassy ang mga bansang ito na igalang ang teritoryal na soberanya at mga karapatang maritime at interes ng Beijing sa South China Sea.
Ipinanawagan din ng China sa US na tigilan na ang paggawa ng gulo at pagpapalala ng sitwasyon para sa kapayapaan at katatagan sa South China Sea.