MAHIGPIT na sinusubaybayan ngayon ng China ang patuloy na kaguluhan sa Myanmar, nagbigay-tulong din ito sa mga Chinese national na nasa lugar, at nagsagawa ng humanitarian na tulong para sa mga dayuhang lumikas mula sa giyera.
Ayon sa tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na si Mao Ning, hiniling umano ng bansang Thailand sa China na magbigay ng komento sa mga ulat na paglikas ng mga mamamayang Thai mula sa Myanmar.
Ayon naman sa Thai Foreign Ministry noong Linggo, 266 na mga Thai, ilang mga Pilipino at mga Singaporean na nasa Northern Myanmar ang ililikas ng China at dadalhin mula sa Chinese City na Kunming patungong Bangkok.
“China is following closely the conflict in Northern Myanmar and has been urging parties to stop the fighting. Recently, some countries have asked China for assistance. In a humanitarian spirit, China has facilitated their citizens’ transit through China from Northern Myanmar. We will stay in contact with relevant countries and do what we can to help on what’s to be done next,” ayon kay Mao Ning.
Ayon kay Mao, sinubaybayan ng China ang naging hidwaan sa Hilagang Myanmar at ang paghingi ng tulong ng mga iilang bansa sa Asya, agad namang tumugon ang China sa mga hiling ng mga bansa sa Asya at hinimok nito ang mga partido sa lugar na itigil na ang labanan, at pinadali rin ng China ang paglipat ng mga mamamayang Thai na naipit sa gulo pauwi sa bansa.
“China’s Foreign Ministry and our Embassy and Consulate in Myanmar have issued consular alerts, advising Chinese nationals in areas of intense conflict in Northern Myanmar to relocate to safety or return to China as soon as possible if it is safe to do so. Recently, some Chinese nationals have returned to China through border ports. The Foreign Ministry and our Embassy and Consulate in Myanmar will continue following closely the security situation in Northern Myanmar and assist Chinese nationals,” dagdag ni Mao Ning.
Dagdag pa niya, ang Foreign Ministry, Embahada at ang Konsulado ng China sa Myanmar ay naglabas na ng consular alert, na nagpapayo sa mga mamamayang Tsino na nasa Hilagang Myanmar na lumipat sa mga ligtas na lugar o bumalik sa China sa lalong madaling panahon kung sakaling ligtas itong gawin.
Kamakailan lang, ilan sa mga Chinese national ay ligtas na nakabalik sa China sa pamamagitan ng mga border port.
“Since the conflict in Northern Myanmar broke out, China has been playing a constructive role in its own way. We have worked actively to encourage talks for peace, urge relevant parties in Myanmar to put people’s welfare first, stop the fighting as quickly as possible, resolve differences through dialogue and consultation and prevent the situation from escalating. China also contributed enormous human, material and financial resources from a humanitarian point of view to keep the main ports between China and Myanmar open and functioning, make proper arrangement to provide shelter to people running from the conflict and cooperate with the Myanmar side to give them the medical help they need. We have actively assisted people from other countries to evacuate through China. We hope relevant parties will work with China to help restore peace and stability in Myanmar at an early date,” ani Mao Ning.
Aniya, mula nang sumiklab ang digmaan sa Hilagang Myanmar ay agad na ginampanan ng China ang papel nito sa sariling paraan upang makatulong na mapahinto ang gulo sa lugar.
Ani Mao, sila ay aktibong nagtra-trabaho upang hikayatin na pag-usapan na lamang ang anumang hindi pagkakasundo para sa kapayapaan at himukin ang mga mahahalagang partido sa Myanmar na unahin ang kapakanan ng mga tao, ang kaayusan ng seguridad sa buong lugar at lutasin ang pagkakaiba sa pamamagitan ng dayalogo at konsultasyon upang mapigilan ang paglala ng sitwasyon.
Umaasa ngayon ang buong panig ng China, na ang mga nauugnay na mga partido ng Myanmar ay makikipagtulungan sa bansa para sa pagpapanumbalik ng kapayapaan at katatagan ng Myanmar.