NAGPADALA muli ang China ng bagong space crew nitong Miyerkules, Oktubre 31, 2024.
Aasahan ang mga ito na manatili sa space hanggang Abril o Mayo 2025.
Papalitan nila ang naunang astronauts na nasa kanilang Tiangong Space Station sa nakalipas na anim na buwan.
Ilan naman sa misyon ng kakaalis lang na space crew na binubuo ng dalawang lalaki at isang babae ay pagsasagawa ng spacewalks maging ang pag-install ng bagong equipment sa kanilang nabanggit na space station.