IKINASAWI ng 21 katao ang isa sa naitalang pinakamalakas na pag-ulan sa bansang China matapos ang 140 taon.
Ito ang epekto ng pananalasa ng Bagyong Doksuri sa bansang China.
Maliban dito, dahil sa matinding pagbaha sa bansa ay marami na ring tulay at kalsada ang nasira, putol na rin ang kuryente at wala na ring malinis na tubig na maiinom.
Maliban sa naiulat na nasawi, nasa 26 katao naman ang patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad.
Matatandaan na naunang nanalasa ang Bagyong Doksuri sa Pilipinas o mas kilala bilang Bagyong Egay na kumitil ng nasa 29 na buhay at nag-iwan ng halos P3.6-B pinsala sa imprastraktura sa bansa.