China, nais makausap muli ng Pilipinas hinggil sa girian sa WPS—DFA

China, nais makausap muli ng Pilipinas hinggil sa girian sa WPS—DFA

SINABI ng Department of Foreign Affairs (DFA) na sisikapin nila na makausap muli ang China hinggil sa nagpapatuloy na tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay ito sa nangyari noong Hunyo 17 sa Ayungin Shoal kung saan isa sa pitong Pinoy troopers ang nawalan ng daliri.

Sa ulat ay binangga at hinila ng Chinese Coast Guard ang inflatable boats ng Philippine Navy habang sinusubukan nilang makarating sa BRP Sierra Madre.

Nang sumakay pa ang mga ito sa isa sa inflatable boats ay inagaw pa anila ng Chinese troopers ang mga armas ng Philippine Navy.

Sinabi na ni Department of Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. na tanging layunin ng naturang aksiyon ng Chinese Coast Guard ang hindi magtagumpay ang resupply mission ng bansa sa BRP Sierra Madre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble