China: Pagpapakawala ng flares sa Scarborough Shoal, naaayon sa int’l law; PH military plane, nakapasok daw sa teritoryo nito

China: Pagpapakawala ng flares sa Scarborough Shoal, naaayon sa int’l law; PH military plane, nakapasok daw sa teritoryo nito

NAGPAPATULOY ang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS), hindi lamang sa dagat kundi pati sa himpapawid.

Kamakailan lang nagpapakawala ng flares ang China sa ruta ng eroplano ng Philippine Air Force (PAF) sa Scarborough Shoal o Bajo de Masinloc.

Kinondena ito ng Philippine government at tinawag ni Marcos Jr na “illegal at reckless” ang aksiyon na ito ng China.

Nabangit din ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Romeo Brawner na ang dalawang sasakyang panghimpapawid ng China ay nagsagawa umano ng mapanganib na maniobra habang lumilipad sa Scarborough Shoal noong Agosto 8.

Nanawagan naman ang National Security Council (NSC) sa China na tigilan na ang umano’y provocative actions nito.

“Hindi naman pinaputukan iyong ating mga eroplano ngunit parang kung ano iyong nangyayari sa dagat na nagkakaroon ng water cannon, na nagkakaroon ng laser pointing ay parang ginawa din nila sa himpapawid – and this is a serious escalation on the part of the People’s Republic of China,” pahayag ni Jonathan Malaya, Asst. Dir. Gen., National Security Council.

Sa inilabas na statement ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian, sinabi nito na ang kamakailang aksiyon ng People’s Liberation Army Air Force (PLAAF) sa Huangyan Dao o kilala sa tawag na Scarborough Shoal ay naaayon sa international laws.

“The Chinese military took necessary and lawful measures in response, and their maneuvers at the scene were professional and consistent with Chinese laws and international law,” ayon kay Lin Jian, Spokesperson, Chinese Foreign Ministry.

Dagdag ng opisyal, ang military plane ng Philippine Air Force na nagpapatrolya sa Scarborough Shoal ay nakapasok sa teritoryo ng China.

Iginiit ng Chinese official na ang Huang Yan Dao o Scarborough Shoal, ay kanila.

Noong Agosto 7 at 8, ayon sa tagapagsalita, dalawang beses na nakapasok ang mga eroplano ng militar ng Pilipinas sa nakapalibot na airspace ng Scarborough Shoal.

Aniya, ito’y labis na paglabag sa soberaniya ng China at paglabag sa international law at sa mga pangunahing pamantayan na namamahala sa international relations.

Ibinahagi pa ng Chinese Foreign Ministry ang kanilang sentimyento matapos na ipinadala ng Pilipinas ang sasakyang panghimpapawid ng militar sa airspace ng Scarborough Shoal sa panahon ng joint patrol kasama ang US, Australia at Canada sa South China Sea.

Malinaw aniya na ang ginawa ng Pilipinas sa military aircraft nito ay isang “deliberate provocation”.

Hiniling naman ng China sa Pilipinas na agad na itigil ang mga paglabag at probokasyon sa Scarborough Shoal.

“China urges the Philippines to stop the infringement activities and provocations at Huangyan Dao at once. Such wanton acts must stop,” dagdag ni Lin Jian

Sinabi pa ng China na patuloy itong kikilos nang matatag alinsunod sa batas upang matibay na pangalagaan ang soberaniya nito at ang mga karapatan at interes sa maritime issues.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble