China, pinabulaanan ang umano’y reclamation activities sa Escoda Shoal sa WPS

China, pinabulaanan ang umano’y reclamation activities sa Escoda Shoal sa WPS

ITINANGGI ng China ang umano’y ginagawa nilang reclamation activities sa Escoda Shoal sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni China Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin, tsismis lang aniya ito upang siraan ang kanilang bansa.

Kamakailan ay iniulat ng Philippine Coast Guard na mayroong itinatayo na artificial island ang Chinese Government sa Escoda Shoal.

Hinihikayat ngayon ng China na ihinto na ang kung anu-anong mga impormasyon o akusasyon laban sa kanila.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter