MULING tinanggihan ng China ang ikalawang planong imbestigasyon ng World Health Organization (WHO) sa pinagmulan ng coronavirus pandemic.
Sa pahayag ni Zeng Yixin, Deputy Health Minister ng China, ang request ng WHO na imbestigahan at i-audit ang mga laboratories sa Wuhan, China kung saan unang nakilala ang virus ay kawalan ng respeto sa sentido komon at kayabangan sa siyensa.
Matatandaan na unang nagsagawa ng imbestigasyon ang WHO sa Wuhan noong Enero ngayon taon.
Kamakailan lang ay sinabi naman ni WHO Head Dr. Tedros Adhanom Ghebreyesus na posibleng titingnan nila ang mga Science Research Institution ng China dahil sa posibleng paglabag ng mga ito sa protocol.
Giit ni Zeng, imposibleng tanggapin ng China ang hiling ng WHO, dahil nagbigay na rin aniya ang China dito ng resulta sa sarili nilang imbestigasyon.