China, wala nang naiulat na bagong kaso ng COVID-19

WALA nang naiulat na bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections sa China.

Dahil dito, pinuri ng World Health Organization (WHO) ang China dahil nakokontrol na nito ang pagkalat ng virus.

Kaugnay nito, inirekomenda naman ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagtatayo ng isang “hospital camp” base sa karanasan ng China at Italy.

Inihalimbawa ni Locsin ang mga tents o warehouses na lalagyan ng air filtration.

Ang COVID-19 ay pinaniniwalaang nagmula sa Wuhan, China noong nakaraang Disyembre.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.