Chinese BYD, umabot ng 600K ang naibentang e-vehicles noong 4th quarter ng 2024

Chinese BYD, umabot ng 600K ang naibentang e-vehicles noong 4th quarter ng 2024

UMABOT ng 600K na e-vehicles ang naibenta ng Chinese automaker na BYD sa pagitan ng Oktubre hanggang Disyembre 2024.

Naungusan nito ang output ng Tesla na nasa halos 500K (495,570) lang ang naibenta sa kaparehong mga buwan.

Iyon nga lang, sa kabuuan, nasa 1.76 milyon lang ang naibenta ng BYD at nasa 1.79 milyon ang Tesla.

Sa panig naman ng Tesla, inamin nilang mas mababa ang output nila nitong 2024 kumpara noong 2023.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble