TINUTUKAN ng Chinese Coast Guard (CCG) ng umano’y military grade laser ang barko ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Ayungin Shoal.
Araw ng Lunes nang maglabas ng pahayag ang PCG hinggil sa pagtutok ng isang barko ng CCG ng umano’y military grade laser light sa kanilang barko na BRP Malapascua.
Ayon sa PCG, nitong Pebrero 6 nang mangyari ang insidente sa bahagi ng Ayungin Shoal sa West Philippine Sea habang nagbibigay ng support ang BRP Malapascua sa rotation and resupply mission ng Philippine Navy.
Dagdag ng PCG, nang nasa 10 nautical miles na ang BRP Malapascua mula sa Ayungin Shoal ay namataan nila ang barko ng CCG na may bow number 5205.
2 beses umano silang tinutukan ng green laser light na nagresulta sa pansamantalang pagkabulag ng mga crew.
Gumawa rin daw ng delikadong pagmaniobra ang Chinese vessel.
“The Chinese ship illuminated the green laser light twice toward the BRP Malapascua, causing temporary blindness to her crew at the bridge. The Chinese vessel also made dangerous maneuvers by approaching about 150 yards from the vessel’s starboard quarter,” pahayag ng PCG.
Iginiit naman ni PCG chief admiral Artemio Abu na hindi sila magpapatinag sa mga pangyayari na involve ang mga Chinese vessel bilang bahagi ng pagprotekta sa territorial integrity ng bansa.
“The PCG will continue to exercise due diligence in protecting the country’s territorial integrity against foreign aggression,” ayon kay Admiral Artemio Abu, Commandant, PCG.
Dagdag pa ni Abu na patuloy silang aagapay sa AFP sa kanilang resupply mission para sa kanilang mga tauhan sa sinadsad na BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Patuloy rin silang maglalayag sa bahagi ng West Philippine Sea para sa pagprotekta at paggiit sa soberanya ng bansa.
“The AFP can always rely on the PCG to support their resupply mission in Ayungin Shoal. Despite the dangerous maneuver of the much larger CCG ships and their aggressive actions at sea, the PCG ships will always be in the West Philippine Sea to sustain our presence and assert our sovereign rights,” dagdag ni Abu.
Nagpahayag naman ang AFP kaugnay sa insidente.
“The secretary of the National Defense has already said that the act committed by Coast Guard of China is offensive and unsafe, therefore it’s time for the Chinese government to restrain its forces, so that it does not commit any provocative act that will endanger lives for the people,” saad ni Col. Medel Aguilar, Spokesperson, AFP.
Ayon pa kay AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na hindi dapat nila itong ulitin.
“Just like what the secretary has said, what they did is offensive and unsafe. They should not do that again,” dagdag ni Aguilar.
China, hinamon ng AFP na patunayan sa gawa na kabigan nila ang Pilipinas
Giit pa ng opisyal, kung kaibigan ang tingin ng China sa Pilipinas dapat nila itong patunayan sa gawa.
“They should prove by act that we are friends,” ani Aguilar.
Sa huli batay sa pakikipag-usap ng media sa opisyal, mas mainam aniya na magpaliwanag din dito ang pamunuan ng Joint Task Force on the West Philippine Sea (JTF-WPS) kaugnay sa ilang insidente na kinasasangkutan ng CCG.
Sa ngayon, nananatili pa ring walang pahayag ang JTF-WPS hinggil sa nasabing usapin.