Chinese FM, nanawagan sa Pilipinas na itigil na ang mga malisyosong akusasyon kaugnay ng isyu sa South China Sea

Chinese FM, nanawagan sa Pilipinas na itigil na ang mga malisyosong akusasyon kaugnay ng isyu sa South China Sea

MULING binigyang-diin ng China na ang soberaniya maging ang karapatan at interes ng Beijing sa South China Sea ay itinatag sa mahabang takbo ng kasaysayan.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Guo Jiakun na matatag ding sumusunod ang China sa internasyonal na batas at kasanayan.

Una rito, inihayag ng tagapagsalita ng National Security Council (NSC) na ang pag-deploy ng China ngayong buwan ng isang coast guard vessel sa South China Sea ay nagpapakita ng pagtaas ng agresyon ng Beijing.

Pilipinas, nanawagan sa China na i-withdraw ang ‘monster ship’ nito sa exclusive economic zone ng bansa

Inilarawan ni NSC Spokesperson Jonathan Malaya ang Chinese vessel bilang isang ‘monster ship’ na nagsasagawa ng mga umano’y taktika ng pananakot na naglalayong pigilan ang pangingisda ng mga Pilipino.

“The presence of a ‘monster ship’ in our waters is illegal and inconsistent with the exercise of freedom of navigation and innocent passage,” pahayag ni Jonathan Malaya, Spokesperson, NSC.

Nanawagan naman ang NSC sa China na i-withdraw ang ‘monster ship’ nito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.

“It’s very clear that the presence of the ‘monster ship’ in Philippine waters, 77 nautical miles to our shoreline is unacceptable and therefore should be withdraw immediately by the Chinese government,” ani Malaya.

Bilang tugon, iginiit ng Chinese Foreign Ministry na ang China Coast Guard (CCG) ay nagsasagawa ng mga pagpapatrol at law enforcement activities sa mga katubigang ito alinsunod sa batas.

“China Coast Guard (CCG) conducts patrols and law enforcement activities in relevant waters in accordance with the law, which is fully justified,” saad ni Guo Jiakun, Spokesperson, Chinese Foreign Ministry.

Giit pa ng Chinese official, ganap na makatwiran ang kanilang ginagawang hakbang.

Muli namang nananawagan ang China sa Pilipinas na agad na itigil ang lahat ng aktibidad ng paglabag, probokasyon at maling akusasyon.

“We call on the Philippines once again to immediately stop all infringement activities, provocations and false accusations,” dagdag ni Guo Jiakun.

Umapela rin ang Beijing sa Pilipinas na itigil ang lahat ng mga aksyon nito na nagsasapanganib sa kapayapaan at nagpapalubha sa sitwasyon sa South China Sea.

“And stop all its actions that jeopardize peace and stability and complicate the situation in the South China Sea,” giit ni Guo Jiakun.

Nabatid na naghain ng panibagong diplomatic protest ang Pilipinas laban sa China dahil sa umano’y ilegal na pananatili ng Chinese vessel na tinawag na ‘monster ship’ sa Exclusive Economic Zone ng bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble