Chinese Foreign Minister Wang Yi, nakipagpulong kay Thai Princess Sirindhorn

Chinese Foreign Minister Wang Yi, nakipagpulong kay Thai Princess Sirindhorn

NAKIPAGPULONG si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Princess Maha Chakri Sirindhorn ng Thailand sa Bangkok.

Si Wang ay nakipagkita rin kay Thai Minister of Foreign Affairs Parnpree Bahiddha-Nukara para sa taunang konsultasyon kung saan mas pinalalalim pa ng China at Thailand ang ugnayan nito.

Sinabi ni Wang na umaasa siya na ang Royal Family of Thailand ay magpapatuloy sa pagiging susi ng malalim na pagkakaibigan ng Thailand at China.

Ani Wang, si Princess Sirindhorn ay dati nang kaibigan ng China kaya ginawaran ng medal of friendship at bumisita sa bansa ng higit sa 50 beses.

Ang dalawang panig ay pumirma ng kasunduan sa mutual visa exemption na patuloy na magpapalakas sa turismo ng dalawang bansa.

Sa susunod na taon ay ipagdiriwang ng China at Thailand ang pagkakatatag ng 50 taong ugnayan ng dalawang bansa.

Samantala, nakipagkita rin si Wang kay Thailand Prime Minister Srettha Thavisin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble