Chinese General Hospital and Medical Center, ‘di na tatanggap ng COVID-19 patient

ISA na namang ospital sa bansa ang nag-anunsyo na hindi na tatanggap ng patient under investigation at Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) positive patients.

Ito ang Chinese General Hospital and Medical Center sa Maynila.

Ayon sa CGHMC administration, dahil sa COVID-19 pandemic ay nasa kritikal na sitwasyon na ang resources, manpower at medical personnel ng ospital.

Sinabi ng CGHMC na kasalukuyan ay puno na ang lahat ng kanilang designated COVID-19 ward; nauubos na ang kanilang healthcare team at wala na rin silang sapat na test kits at personal protective equipments (ppe).

CGHMC Announcement.

Posted by Chinese General Hospital and Medical Center on Tuesday, 24 March 2020

Paliwanag pa ng ospital na minabuti nilang itigil ang pagtanggap ng mga pasyente para sa ikabubuti ng mga pasyente at ng lahat.

Tiniyak naman ng pamunuan ng ospital na agad nilang aalisin ang kanilang abiso sakaling magkaroon sila ng sapat na manpower at equipments sa paglaban sa COVID-19.

Samantala, nanatili naman aniyang available 24/7 ang kanilang emergency room para sa ibang emergency medical concern.

Leave a Reply

Your email address will not be published.