Chinese military deployment sa Taiwan, walang pagbabago

Chinese military deployment sa Taiwan, walang pagbabago

WALANG nakikita ang Taiwan na kakaibang military deployment mula China bago ang nakatakdang pagbisita ni Taiwanese President Tsai Ing-wen sa Estados Unidos at Central America.

Ayon kay Taiwan Deputy Defense Minister Po Horng-huei, normal naman ang 3 – 4 na warship ng China na nag-ooperate sa Taiwan araw-araw.

Sa kabila nito, tiniyak ng Taiwan na nakahanda sila sakaling may pagbabago.

Sa Miyerkules, March 29, 2023 nakatakdang umalis ang Taiwanese president papuntang New York.

Kung pabalik na ito sa Taiwan ay dadaan muna ito sa Los Angeles kung saan makikipagkita naman siya kay House Speaker Kevin McCarthy.

Ang Taiwan ay itinuturing na teritoryo ng China.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter