Chinese national na nanlaban sa buy-bust operation sa Bulacan patay, P510-M halaga ng shabu nakumpiska

Chinese national na nanlaban sa buy-bust operation sa Bulacan patay, P510-M halaga ng shabu nakumpiska

NAKUMPISKA nitong Linggo bandang 5:40 ng hapon ang  P510-M halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Bulacan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP Drug Enforcement Group (PDEG) ang isang joint operation para sa big time na dealer na si Zishen Wu na isang Chinese national.

Sa operasyong ito hindi nagpahuli ng buhay si Wu matapos napag-alaman na mga awtoridad pala ang kanyang kapalitan.

Agad nagpaputok si Wu kaya agad na naman na gumanti ang mga awtoridad. Dead on the spot ang tsinong bigtime dealer.

Sa mismong warehouse nito sa Barangay Santol, Balagtas, Bulacan isinagawa ang naturang operation.

Nagkukunwari naman si Wu na nagbebenta ng kusot, sa kanyang napakalaking bodega kung saan naka imbak ang sako-sakong kusot na ginagamit na lehitimong negosyo ngunit shabu pala ang totoong transaksyon nito.

Nakuha mula sa tatlong malalaking bag ng suspek ang 75 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng 510 milyong peso.

Kasama rin sa nakuha ang dalawang ID, dalawang cellphone at buy bust money.

Lubos naman na ikinatuwa ng gobernador na si Gov. Daniel Fernando ang buy-bust operation sa Bulacan na naging matagumpay ang operation nito.

Ayon kay Gregorio Pimentel, deputy director for operations ng PDEA na mula pa rin sa Oplan Whisperer ang impormasyon dahilan para matukoy ang suspek.

‘’Gaya ng dati parang wala na silang takot, matagal din ang naging surveillance sa suspek hanggang sa ma corner na ito. Minomonitor natin hanggang sa na buy bust na sila,’’ayon kay GREGORIO R. PIMENTEL, Deputy Director General for Operations ng PDEA.

Nagbabala si Pimentel sa mga patuloy na sangkot sa kalakaran sa iligal na droga. Mabibigyan din ng parangal ang mga operatiba sa matagumpay na operasyon.

SMNI NEWS