HINDI nagpa-awat ang Choco Mucho Flying Titans sa kanilang naging laban kontra PLDT High Speed Hitters nitong Huwebes, Enero 23, 2025.
Ito’y kahit wala sa kanilang roster ang isa sa kanilang matitibay na players na si Kat Tolentino dahil sumailalim ito sa isang surgery para sa appendix.
Sa naging game, 21-25, 25-22, 25-18, 25-18 ang scoring pabor sa Flying Titans.
Si Sisi Rondina ang player of the game matapos nag-ambag ng 20 points.
May ambag din na 16 points si Dindin Santiago-Manabat habang tig-12 points sina Isa Molde at Cherry Nunag.
Sa standings, pinalitan na ng noo’y Rank No. 6 na Choco Mucho ang PLDT sa Rank No. 4 at bumaba ang PLDT sa No. 5.
Samantala, panalo naman ang Akari Chargers kontra Nxled Chameleons sa iskor na 21-25, 25-20, 26-24, 25-18.
17 points ang ambag ng player of the game na si Ivy Lacsina para sa panalo ng Akari.
Follow SMNI News on Rumble