Choco Mucho panalo vs Akari; No. 5 sa rankings ng elimination round

Choco Mucho panalo vs Akari; No. 5 sa rankings ng elimination round

NO. 5 na standings ang Choco Mucho Flying Titans matapos natalo ang Akari Chargers sa iskor na 25-21, 19-25, 25-23, 25-15 noong Pebrero 8, 2025.

Si Sisi Rondina ang Player of the Game, nag-ambag ng 18 points.

May ambag din sina Dindin Santiago-Manabat (12 points), Isa Molde (8 points), Maika Ortiz at Cherry Nunag (tig-5 points), at Des Cheng at Deanna Wong (tig-4 points) para sa Flying Titans.

Samantala, nanalo sa unang pagkakataon ang NXLED Chameleons kontra Galeries Tower Highrisers sa iskor na 25-20, 19-25, 25-14, 25-23, kung saan si EJ Laure ang Player of the Game na may 19 points.

Sa kabila nito, nanatiling No. 12 sa rankings ang NXLED Chameleons sa nagpapatuloy na elimination round ng 2024-2025 PVL All-Filipino Conference.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble