Chris Lalata ng Phoenix Super LPG, pinagmumulta dahil sa ‘Ligang Labas’ violation

Chris Lalata ng Phoenix Super LPG, pinagmumulta dahil sa ‘Ligang Labas’ violation

PINAGMUMULTA ngayon ng P50-K ang reserve forward ng Phoenix Super LPG na si Chris Lalata.

Kasunod ito sa tinatawag na ‘Ligang Labas’ violation dahil noong nakaraang linggo, lumalaganap sa social media ang paglalaro nito sa isang pocket tournament sa Mindoro.

Sinasabing naglaro ito bilang pabor sa kaniyang mga kaibigan.

Noong nakaraang linggo ay pinagmumulta rin ng P100-K si Mac Tallo ng Converge Fiberxers dahil din sa ‘Ligang Labas’ violation.

Sa isang pahayag ng koponan, sinabi nito na naglaro si Tallo para sa ibang grupo na walang pahintulot mula sa kanila nang dumalo ito sa isang event.

Winakasan na rin ng Converge ang kanilang kontrata sa pagitan kay Tallo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble