Christian Standhardinger, itinanghal na Finals MVP sa 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals

Christian Standhardinger, itinanghal na Finals MVP sa 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals

PINARANGALAN si Christian Standhardinger bilang Finals Most Valuable Player (MVP) dahil sa tulong na ibinigay nito sa Gin Kings upang talunin ang Bay Area Dragons sa 2022 PBA Commissioner’s Cup Finals.

Nakapagtala si Standhardinger ng 12 points, 10 rebounds at 6 assists sa 114-99 na panalo nito sa game 7 kontra sa Bay Area sa Philippine Arena kung saan tuluyan nang naiuwi ng Ginebra ang korona.

Para sa serye, ang Fil-German standout ay may average na 10.9 points, 7.0 rebounds, 2.7 assists at 1.1 steals.

Nagsilbi rin itong pangunahing taga depensa laban kay Bay Area import Andrew Nicholson.

Inalay naman ni Standhardinger ang natanggap na award sa kanyang mga teammates at mga taga suporta ng kanyang team.

 

Follow SMNI News on Twitter