Christmas Caravan ng isang civilian group sa Ayungin Shoal, hindi sinuportahan ng NSC

Christmas Caravan ng isang civilian group sa Ayungin Shoal, hindi sinuportahan ng NSC

TUTOL ang pamunuan ng National Security Council (NSC) sa hiling ng isang grupo na payagan silang makapagsagawa ng Christmas convoy civilian mission sa Ayungin Shoal.

Ang nasabing misyon ay mungkahi ng “Atin Ito” movement na binubuo ng mga sibilyan na sinasabing supporter ng pamahalaan sa paninindigan nito sa pagtatanggol sa mga islang sakop o pag-aari ng Pilipinas lalo na sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa programang Bagong Pilipinas Ngayon, binigyang diin ni NSC assistant director General Jonathan Malaya na maikokonsiderang hotspot ang Ayungin Shoal o mataas ang tensiyon dito kung kaya’t hindi nila suportado ang hakbang ng naturang civilian group.

Ayon pa sa ahensiya, marami na anila ang pangyayari sa Ayungin Shoal sa usapin ng seguridad kung kaya’t pinaiiwas nila ang sinuman o anumang aktibidad sa lugar na walang kinalaman sa opisyal na operasyon gaya ng rotation and resupply mission.

Sa panig ng National Task Force on the West Philippine Sea, kinumpirma rin nito ang pagtanggi ng kanilang hanay sa plano, sa halip, tanging opisyal na operasyon lamang ang kinikilala nila.

“We did not commit to participate in the Christmas Caravan in Ayungin Shoal. The Philippine Coast Guard always follows the guidance and instructions of the National Task Force West Philippines Sea and the Armed Forces of the Philippines, especially when it comes to operations in Ayungin Shoal,” saad pa ni NTF-WPS Spokesperson Commo Jay Tarriela.

Sa huli, naniniwala ang pamahalaan, na maaaring isipin ng bansang China na nag-uudyok ng gulo ang pamahalaan kung papahintulutan nila ang pagsasagawa ng aktibidad ng mga sibilyan sa Ayungin Shoal.

Payo ng NSC, i-donate na lamang sa kanila ang mga bagay na ipamimigay ng civilian group para makarating sa mga tropang nagbabantay sa BRP Sierra Madre.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble