Christmas caroling, pinapayagan ngayong taon – DOH

Christmas caroling, pinapayagan ngayong taon – DOH

PINAYAGAN na ngayong taon ng Department of Health (DOH) ang Christmas caroling.

Ito ang inihayag ni Department of Health undersecretary Maria Rosario Vergeire na maari na ang pangangaroling sa kalsada ngayong pasko.

Gayunman, sinabi ni Vergeire na kailangan magsuot ng face masks at face shield sa Christmas caroling.

Paalala pa ni Vergeire sa publiko, naglalabas ng mas maraming respiratory droplets ang tao kapag kumakanta at pinapataas ang panganib ng pagkalat ng COVID-19.

Matatandaang maari nang lumabas ng kanilang mga bahay ang mga menor de edad sa National Capital Region matapos ang halos dalawang taon pananatili sa kanilang bahay bunsod ng banta ng COVID-19.

SMNI NEWS