NAKATAKDA nang ilabas ng Government Service Insurance System (GSIS) ngayong araw, Disyembre 5 ang nasa P3.7B na Christmas cash gifts.
Para ito sa kanilang kwalipikadong pensioners ngayong holiday season.
Ang naturang Christmas cash gifts ay katumbas ng isang buwang pensiyon ng bawat pensioners subalit hindi na ito lalagpas ng P10K para sa may malalaking pensiyon.
Sa pahayag ng GSIS, ang kanilang ibinibigay na Christmas cash gifts ay pagpapakita ng kanilang pasasalamat sa serbisyong ibinigay ng pensioners para sa bansa.