CICC hinihikayat ang publiko na gumamit ng eGov app upang ireport ang mga scams na natatanggap

CICC hinihikayat ang publiko na gumamit ng eGov app upang ireport ang mga scams na natatanggap

HINIHIKAYAT ngayon ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang publiko na gamitin ang eGov app ng Department of Information and Communications Technology (DICT) para mai-report ang mga natatanggap na text scams.

Ayon kay CICC Executive Director Undersecretary Alexander Ramos, bukod sa pagtawag Sa Inter-Agency Response Center (I-ARC) hotline 1326, madali ring makapag-report ng scams sa eGov app.

Ang mga natatanggap aniya na mga datos sa eGov app ay iimbestigahan ng CICC at pinapadala sa National Telecommunications Commission.

Sa kabilang banda, ibinahagi rin ng CICC na maaari ring mag-report sa eGov app ng mga insidente ng child abuse, red tape, sunog, at iba pa.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble