NAG-viral na ang video kung saan maririnig na sinabi ni PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Chief Police Major Gen. Nicolas (PMGen.) Nicolas Torre III na hihilahin niya si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ito ay kung hindi pa sumama at nagpaaresto ang dating Pangulo sa mga pulis noong Marso 11, 2025.
Sa video, tila nawalan na ng pasensiya si Gen. Torre kahit nakikipag-usap nang masinsinan si FPRRD na sa susunod na araw na lamang siya hulihin.
Nang tanungin pa ng dating Pangulo kung may iba pa bang high-ranking official na maaaring kausapin maliban kay Torre ay sinagot ito ng CIDG chief na siya na umano ang pinakamataas na opisyal sa mga pulis na nandoon.