TINALO ng Cignal HD Spikers ang Capital1 Solar Spikers sa iskor na 25‑21, 25‑22, 25‑16 sa game nila nitong Hunyo 23, 2025 sa PVL on‑Tour.
Pinangunahan ni Gel Cayuna ang panalo sa pamamagitan ng 27 excellent sets at 5 points.
Si Erika Santos ay nag‑ambag din ng 11 points habang 10 points mula kay Rose Doria‑Aquino.
Ang Cignal ay nakadalawang panalo na sa PVL on‑Tour matapos una nilang tinalo ang Akari Chargers.
Gaya nila, nakadalawang panalo rin ang Creamline Cool Smashers matapos tinalo ang Capital1 at Akari.
Sa Hulyo 1 pa maglalaban‑laban ang Cignal at Creamline.