PANALO ang Cignal HD Spikers kontra sa volleyball powerhouse na Creamline Cool Smashers sa iskor na 25-22, 25-18, 28-26 sa laban nila nitong Martes, Hulyo 1, 2025.
Nanguna para sa Cignal sina Erika Santos na may 18 points, Ishie Lalong-Isip na may 15 points, at Roselyn Doria-Aquino na may 10 points.
Si Tin Tiamzon ay may ambag din na 4 points, Erin Pangilinan na may 3 points habang si Buding Duremdes ay may 16 excellent digs.
Si Gel Cayuna na siyang player of the game ay may ambag na 22 excellent sets.
Sa panig ng Creamline, ito na ang una nilang pagkatalo sa nagpapatuloy na 2025 PVL On-Tour.