NAMASYAL si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa isang mall sa Makati City matapos na bumaba sa pwesto ngayong araw.
Kasama ng dating Pangulo ang kanyang Presidential Security Group (PSG) kung saan nananghalian ang mga ito sa naturang mall.
Ngayong hapon nakatakdang umuwi si dating Pangulong Duterte sa Davao City.
Hindi naman dumalo ang dating Pangulo sa inagurasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.