City chapters ng Inday Sara movement, bumuhos sa Pasay City

City chapters ng Inday Sara movement, bumuhos sa Pasay City

BUMUHOS sa Pasay City ang mga tagasuporta ni Mayor Inday Sara Duterte mula sa ibat-ibang City chapters ng Inday Sara movement sa NCR sa panawagan sa pagtakbo ng alkalde sa pagkapangulo.

Nagsama-sama sa Pasay City ang iba’t-ibang City chapters ng Inday Sara Movement sa National Capital Region.

Ito’y bahagi ng kanilang kampanya para kay Davao City Mayor Sara para tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Anila, hindi sila magsasawa na manawagan para sa alkalde hanggang magbago ito ng desisyon.

Ayon sa grupo, matagal na nilang inaasam ang tuluy-tuloy na pagbabago ng bansa mula sa nasimulan ng ama nitong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI news, nagkaisa ang mga City coordinators ng samahan para kay Mayor Inday Sara at hindi anila sila titigil hanggang hindi manggagaling sa alkalde ang anunsiyo para itigil nila ang suporta sa alkalde.

Bagamat wala pang kumpirmasyon, pero ayon sa nasagap nilang impormasyon sa loob ng samahan, pormal nang naghain ng kanyang kandidatura si Mayor Inday.

Samantala, sa pakikipanayam ng SMNI news sa isa sa mga supporter ng alkalde, umaga palang aniya ay naghintay na siya sa CCP complex para abangan ang pagdating ni Mayor Inday ngayong huling-araw ng paghahain ng COC sa Sofitel hotel.

Aniya, buo ang kanyang tiwala na may laban si Mayor Inday sa pagkapangulo ng bansa.

Aniya wala nang mas hihigit pa sa Duterte administration kung kaya’t paniniwala ito na walang ibang magpapatuloy nito kundi ang Presidential daughter na si Mayor Inday.

SMNI NEWS