City events ng San Juan City ngayong Hunyo 19, kanselado bilang paggalang sa yumaong Vice Mayor

City events ng San Juan City ngayong Hunyo 19, kanselado bilang paggalang sa yumaong Vice Mayor

KANSELADO bilang paggalang sa yumaong Vice Mayor ang events ng San Juan City ngayong Hunyo 19.

Kinansela ng San Juan City Government ang mga aktibidad sa lungsod ngayong Lunes, ika-19 ng Hunyo.

Ito ay upang magbigay galang kay yumaong Vice Mayor Warren Villa at sa kaniyang pamilya.

Panahon din ito ayon sa LGU na mabigyan ng oras ang mga empleyado ng City Hall na magluksa at magbigay ng kanilang huling paggalang kay Vice Mayor Villa.

Kabilang sa mga aktibidad na kinansela ngayong Lunes ay ang Wreath Laying Ceremony, Blood Letting Program, 50th Wedding Anniversary Renewal of Vows, The Medical City Mobiclinic Launch at ang Feeding Program sa Barangay Corazon De Jesus.

Pumanaw si Vice Mayor Villa nitong Linggo ng gabi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter