City Garden Grand Hotel, inisyuhan ng show cause order ng DOT

INISYUHAN ng show cause order ng Department of Tourism (DOT) ang City Garden Grand Hotel sa Makati City.

Ito ay para magpaliwanag sa posibleng paglabag ng hotel sa kautusan ng ahensIya sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon sa DOT, ang accommodation establishment sa mga lugar na nasa GCQ na ginagamit bilang quarantine facility ay hindi maaaring mabigay ng accommodation for leisure purposes.

Mayroon naman tatlong araw ang pamunuan ng hotel para magpaliwanag kung bakit hindi dapat suspendihin o bawiin ang kanilang accreditation.

Matatandaang Enero 1 nang matagpuang wala nang buhay ang flight attendant na si Christine Dacera sa isang bathtub sa loob ng nasabing hotel matapos ang umano’y pagdalo sa isang party.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.